Region

LIBRENG INTERNET AT CHARGING STATION SA ALBAY

/ 7 November 2020

NAGLAGAY ang Department of Information and Communications Technology ng libreng internet at charging station sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa Facebook post ng DICT Cluster 3, ito ay matatagpuan sa Post Telecom Building sa Lapu-lapu Street, Legazpi City.

“Free internet and charging now available in DICT Albay Provincial Office. We are located at Post Telecom Building, Lapu Lapu St., Legazpi City. This is in front of 7-eleven,” ayon sa DICT.

Anumang oras ay maaari itong bisitahin ng mga Albayanos subalit kailangan nilang sundin ang health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Samantala, nagsagawa ng lecture series ang DICT-LC3 para sa mga guro mula sa Mimaropa at Bicol region patungkol sa digital training.

Patuloy rin ang webinars ng DICT-LC3 para sa mga guro upang makatulong sa distance at online learning.