Region

KLASE SA TACLOBAN SUSPENDIDO

/ 6 October 2022

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Tacloban City ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 6.

Sa inilabas na Executive Order ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, ang suspensiyon ay kaugnay sa pagdiriwang ng Teachers’ Day.

Sinabi ni Romualdez na may mga aktbidad at programa na sinimulang isagawa simula kahapon, Oktubre 5, bilang paggunita sa Araw ng mga Guro.

Inaasahan aniyang magpapatuloy ang mga aktibidad na magiging dahilan para dumagsa o magtipon-tipon ang mga tao sa iba’t ibang lugar sa lungsod na may idaraos na mga programa,