Region

KLASE SA CAMSUR SINUSPINDE

/ 20 December 2022

NAGDEKLARA kahapon ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas si Camarines Sur Governor Vicenzo Renato Luigi R. Villafuerte.

Ito ay makaraang lumubog sa baha ang 12 munisipalidad ng lalawigan bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Sinabi ni Villafuerte na 24 oras nang umuulan sa kanilang lugar kaya lumawak ang pagbaha.

Unang inanunsiyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na umiiral ang Shearline at Amihan sa bansa kung saan kabilang sa puntirya ang Bicol region na nakasasakop sa Camarines Sur.

Ang pagsuspinde sa klase sa buong lalawigan ay may koordinasyon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Paglilinaw pa ng gobernador na sakop ng suspensiyon ang mga pampubliko at pribadong paaralan.