Region

GRADE 5 LEARNER NABARIL NG 7-ANYOS NA UTOL

/ 9 April 2021

DEAD on the spot ang isang Grade 5 na batang babae matapos na aksidenteng mabaril ng nakababatang kapatid sa Lutayan, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Barangay Chairman Celia Avanzado ng Barangay Palavilla,  ang biktima na si Angel Bliss Pututan, 10-anyos at residente ng Purok Pag-asa ng nasabing barangay.

Ayon kay Avanzado, pinaglaruan ng magkapatid ang isang homemade shot gun habang nasa bahay kubo ng mga ito sa bulubunduking bahagi ng Sitio Makapol sa nabanggit na barangay.

Subalit aksidenteng nakalabit ng 7-anyos na batang babae ang gatilyo ng baril kung saan tinamaan sa dibdib ang biktima ng walong beses.

Napag-alaman na nasa 100 metro ang layo ng ina at stepfather ng biktima sa bahay kubo dahil namumutol umano ng kahoy ang mga ito para sa gagawing uling bilang pangkabuhayan.

Narinig na lamang nila ang mga putok ng baril at nang tingnan sa bahay kubo ang mga bata ay nakahandusay na ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Agad namang dinala sa South Cotabato Provincial Hospital ang dalagita ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.