Region

GRAD CELEBRATION NAUWI SA TRAHEDYA

/ 25 May 2021

DALAWANG high school students ang nalunod nang iselebra ang pagtatakda ng graduation ng kanilang paaralan sa Tanza, Cavite

Sa blotter ng Tanza Municipal Police Station, kinilala ang mga nasawi na sina Christopher Anisco at Glenn Lares, kapwa residente sa nasabing bayan.

Naganap ang insidente pasado alas-4 ng hapon noong Mayo 23 sa isang resort sa naturang bayan.

Nagkayayaan umano ang dalawa, kasama ang 17 iba pang kaklase na mag-swimming na bahagi ng pagsasaya dahil itinakda na ang pagtatapos sa klase.

Batay sa report, habang nagkakasayahan ay tumaas ang tubig at naging mabilis ang alon dahilan para tangayin ang dalawa.

Nag-panic ang mga kasama ng mga biktima dahilan para hindi maisalba ang mga ito sa pagkalunod.

Naitakbo pa ng kanilang mga kasama ang dalawa sa JNRAL Hospital subalit idineklarang patay ng mga doktor.