Region

EX-LEARNER NAPARIWARA SA ‘SAMAHAN’, SUMUKO SA MILITAR

/ 24 March 2021

DAHIL hindi na makayanan ang pang-aabusong sekswal, isang dating elementary student ang sumuko sa 61st Infantry ‘Hunter’ Battalion ng Philippine Army sa Iloilo.

Inamin ng amasona na nakaranas siya ng sekswal na pang-aabuso sa kamay ng isang New People’s Army leader, gayundin ang iba pang kabataang babae sa kanilang pansamantalang kampo sa kabundukan ng Miagao.

Kinilala ni Major General Eric C Vinoya, ang Commander ng 3rd Infantry ‘Spearhead’ Division ang sumuko sa alyas na ‘Ka Nene’.

Isinalaysay rin ni ‘Ka Nene’ ang pang-aabuso ng kanilang lider at ng mga kasamahan nito sa siyam na iba pang menor de edad na nagresulta sa pagbubunutis ng mga ito.

Pinuri ni Gen. Vinoya ang katapangan ni ‘Ka Nene’ sa pagsisiwalat ng mapait na karanasan ng mga babaeng napapasama sa NPA.

Hinamon naman ni Vinoya ang mga tagapagtanggol ng kabataan at kababaihan na Anakbayan at Gabriela na basagin ang kanilang katahimikan ukol sa paglapastangan ng NPA sa kanilang mga babaeng kasapi.