Region

EDUCATIONAL ASSISTANCE SA COLLEGE STUDENTS SA GMA, CAVITE

/ 30 October 2020

DAAN-DAANG estudyante sa kolehiyo sa General Mariano Alvarez sa Cavite ang tumanggap ng educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.

Sa isang Facebook post, sinabi ng lokal na pamahalaan ng GMA na ang ayuda ay sa ilalim ng Carmona, Silang, GMA scholarship at sa tulong din ni Congressman Dahlia Loyola.

Nasa 225 estudyante sa kolehiyo ang tumanggap ng tig-P3,000 bilang tulong sa kanilang pag/aaral lalo na ngayong may pandemya.

Isinagawa ang pamamahagi nitong Oktubre 22 sa Covered Court ng Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.

Sa kabila ng pandemya ay patuloy ang lokal na pamahalaan ng GMA sa pagbibigay ng tulong sa mga residente nito, lalo na sa mga estudyante.

Ang CarSiGMA scholarship ay nagsimula noong 2016 upang magbigay ayuda sa mga estudyante.