Region

DEPED GENSAN MAY BAGONG REGIONAL EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR

/ 6 January 2021

MAY BAGO nang Regional Program Supervisor. ang Department of Education General Santos.

Itinalaga bilang bagong REPS si Maria Isabela Cunanan upang pamunuan ang education programs ng GenSan.

Nagsimula siya sa Kagawaran bilang isang guro ng Dadiangas South Central Elementary School noong June 1, 2003, at naging Teacher 3 at Master Teacher 1.

Bagaman nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary Education major in Math sa Clarete College of Isabela, nagturo rin si Cunanan ng MAPEH at English.

Siya rin ay naging Drum Corps trainer at dalawang beses na naging national conductor sa children’s choir sa Cultural Center of the Philippines dahil sa kanyang karanasan bilang isang Church pianist at hilig sa musika.

Bago naging REPS, naging School Head siya ng Udagri Elementary School sa Barangay Conel noong 2014 hanggang sa kanyang promosyon kung saan marami siyang naging accomplishments.