Region

CRIMINOLOGY BUILDING NG CITY COLLEGE OF SAN JOSE DEL MONTE BUKAS NA

/ 29 January 2022

BINUKSAN na ang criminology building ng City College of San Jose del Monte sa Bulacan para sa mga estudyanteng nais pasukin ang pagpupulis.

Ayon kay Cong. Florida Robes, layunin nitong mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga kabataang nais magpulis.

“Hangarin ko na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataan na gustong mag-aral sa larangan ng pagpupulis at seguridad na matupad nila ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng abot-kaya at dekalidad na pasilidad sa ating lungsod,” ani Robes.

Kamakailan ay binasbasan ang gusali para sa pagbubukas nito.

Nagpasalamt din si Robes kay Rev. Fr. Bernabe dela Cruz ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa kanyang pagbabasbas sa gusali, gayundin kina brgy. captain Jerry Matias ng Barangay Towerville, Councilors Celso Francisco at  Rosalyn Cabuco, at City College SJDM president and Board of Director Dr. Roger Ambida.