Region

CASH ASSISTANCE SA NUEVA ECIJA COLLEGE STUDENTS

/ 8 October 2020

NAMAHAGI ng cash aid ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Cacapasan sa Cuyapo, Nueva Ecija sa mga estudyante sa kolehiyo ng naturang barangay

Sa kanilang Facebook page, sinabi ng SK na lahat ng estudyante sa kolehiyo ng barangay ay nakatanggap ng P1,500 cash bago pa magsimula ang klase.

Samantala, namahagi rin sila ng  module kits sa 51 na mga estudyante mula junior hanggang senior high school.

Noong Oktubre 1 ay ibinigay naman ng SK ang 20 reams ng bond papers at 10 ink upang magamit sa pagpi-print ng mga module  para sa mga estudyante ng Cacapasan Elementary School.

Ayon sa SK, hindi man ito sapat ay kaisa sila ng mga kabataan sa pagpapatuloy ng edukasyon sa ‘new normal’.

“Alam po namin na hindi pa po ito sapat pero umasa po kayo na kaisa ninyo ang Sangguniang Kabataan sa Bagong Mukha ng Akademya,” pahayag ng SK sa kanilang Facebook page.