Region

ALAMINOS CITY GOV’T NAG-DONATE NG LUPA SA PANGASINAN STATE U

/ 4 June 2021

NAGBIGAY ng lupa ang Alaminos City government sa Pangasinan State University Alaminos Campus.

Ang turnover ceremony ay dinaluhan ni dating Mayor Arthur Celeste na kasalukuyang miyembro ng PSU Board of Regents.

Kasabay nito, nagpahayag ng buong suporta si Mayor Arth Bryan Celeste sa unibersidad at hinikayat ang buong pamunuan nito na ipagpatuloy ang pagbibigay ng de kalidad na serbisyo upang mapataas ang kaalaman ng mga kabataan.

Nagpasalamat naman si PSU University President Dr. Dexter Buted sa lahat ng suporta at pagmamahal ng lokal na pamahalaan dahil sa ibinigay na donasyon.

Ayon kay Buted, ang nasabing donasyon ay makapagpapatuloy sa paggamit ng kasanayan at kagalingan sa pagbabahagi ng kaalaman.

Nangako rin itong pangangalagaan at pagyayamanin ang kanilang natanggap na donasyon.