Region

2,570 PERSONNEL NG DEPED REGION XI NABAKUNAHAN NA VS COVID-19

/ 24 June 2021

NASA 2,570 teaching at non-teaching personnel ng Department of Education Region XI ang nabakunahan na kontra Covid19.

Ayon kay DepEd XI Spokesperson Jenielito Atillo, bagaman malayo pa ito sa kabuuang bilang ng kanilang mga empleyado na nasa 42,121, naniniwala siya na magiging matagumpay ang kanilang pagbabakuna.

Dagdag ni Atillo, nasa 73 personnel na ang fully vaccinated na kinabibilangan ng mga senior citizen.

Nagpapasalamat naman ang DepEd XI sa lokal na pamahalaan ng Davao Region sa bakunang natanggap ng kanilang mga empleyado.

Nanawagan din ang spokesperson sa kanyang mga kasamahan na patuloy na nagdududa sa vaccine na makinig sa mga eksperto na nagbibigay ng tamang impormasyon.