Region

248 LEARNERS NAKINABANG SA ARMY OUTREACH PROGRAM SA PAMPANGA

/ 21 September 2022

AABOT sa 248 mag-aaral ng Sapang Uwak Elementary School sa Barangay Sapang Uwak, Porac, Pampanga, ang nakinabang sa outreach program na isinagawa ng 70th Infantry “Matapat at Matatag” Battalion, Ateneo Graduate School of Business at Department of Education-Pampanga.

Layon ng outreach program na matugunan ang pangangailangan sa school supplies at pagkain ng mga mag-aaral sa komunidad.

Karamihan sa mga mag-aaral ay mula sa indigenous community.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lieutenant Colonel Ronnel B Dela Cruz, Commanding Officer ng 70IB, na patuloy na makikipagtulungan ang Phil. Army sa mga lokal na pamahalaan para mapaganda ang pamumuhay ng mga komunidad sa kanilang area of responsibility.

Nagpasalamat naman si 7th Infantry “Kaugnay” Division Commander, Major General Andrew D Costelo sa Ateneo Graduate School of Business at DepEd Pampanga sa kanilang inisyatiba na itaas ang morale ng mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng mga outreach program.