Region

2 KLASRUM NAWASAK SA LANDSLIDE SA DAVAO ORIENTAL

/ 7 June 2021

Kinumpirma ng Davao Oriental Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang pagkawask ng dalawang silid-aralan sa munisipalidad ng Governor Generoso.

Sa ulat ng MDRRMO ng nasabing bayan, dahil sa pag-ulan dulot ng weather disturbance na intertropical covergence zone, lumambot ang lupa sa Barangay Oregon at naguhuan ang Oregon Integrated School.

Sa pagsisiyasat, wala nang mapakikibanabangan sa mga kagamitan ng paaralan, kasama na ang mga module.

Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente dahil madaling araw naganap ang pagguho.