Region

100 KABATAAN SA BARAS BENEPISYARYO NG SPES

/ 14 July 2022

ISANDAANG kabaaan mula sa bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal ang kabilang sa Batch 1 ng mga benepisyaryo ng Special Program for Employment Student (SPES) na tumanggap ng financial grants mula sa lokal na pamahalaan noong  Hulyo 8.

Dumalo sa naturang aktibidad sina Mayor Wilfredo Robles kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Community Affairs Office at mga kawani ng Department of Labor and Employment.

Bilang bahagi ng programa, ibinahagi ni Mayor Robles sa mga benepisyaryo ng programa ang kahalagahan ng SPES upang makatulong sa kanilang edukasyon.

Ang SPES ay kabilang sa mga programa ng DOLE na layong makapagbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga disadvantaged youth upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.