Nation

VP SARA SA KABATAAN: TULARAN SI RIZAL

/ 31 December 2022

HINIMOK ni Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang mga kabataan na tularan kung paano namuhay si Dr. Jose Rizal.

Ito ay kasabay ng paggunita sa 126th Rizal Day nitong Disyembre 30.

“I also hope that the legacy and memory of Rizal will always be treasured, remembered, and lived,” sabi ni Duterte-Carpio.

Hinikayat din niya ang mga estudyante na pahalagahan ang pagiging makabayan, katapangan at integridad na isinabuhay ni Rizal.

Samantala, pinasalamatan ni Duterte-Carpio ang mga Pilipino sa tiwala at kumpiyansa na ibinigay sa kanya habang siya ay naglilingkod sa bansa.

Nakatanggap sina Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong”. Marcos Jr. ng mataas na approval at trust ratings sa isang nationwide survey na isinagawa ng non-government organization na RP-Mission and Development Foundation Inc. ngayong buwan.