Nation

SY 2020-2021 TAGUMPAY SA MAKATI

/ 19 July 2021

NANINIWALA ang General Parent Teacher Association sa Barangay Pembo, Makati City na tagumpay ang katatapos na School Year 2020-2021.

Sa official Facebook page ng Pembonians na Pembo Cares ay taos-pusong nagpapasalamat ang GPTA officers sa mga guro, magulang, guardian at maging sa pangulo ng asosasyon sa matagumpay na pagtuturo sa mga estudyante.

“Salamat sa Diyos at naitawid po natin ang online at modular schooling ng ating mga anak,” nakasaad sa post.

Kinilala rin ng mga opisyal ang mahahalagang ambag ng mga magulang at guardian, lalo na ang mga lolo at lola para maging maayos ang pagtuturo sa mga bata sa pamamagitan ng paghahatid at pagkuha ng mga module dahil online class at hindi maaaring lumabas ang kanilang mga anak dulot ng Covid19 pandemic.

Hindi naman kinaligtaan ng mga guro na kilalanin ang pagsisikap ng mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak lalo na’t ang 2020 ay unang taon ng distance learning.

“All’s well that ends well,” ayon pa sa mga magulang at guro.