Nation

SCHOOL CALENDAR IA-ADJUST PARA SA MGA ESTUDYANTENG APEKTADO NG BAGYO — DEPED

/ 25 November 2020

IUURONG ang school calendar of activities para sa mga estudyanteng apektado ng mga bagyo.

Ito ang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones, sa isang press briefing, nang tanungin ang ‘catch-up plan’ ng kagawaran.

“Tinitingnan natin ‘yung calendar. ‘Yong calendar of activities, ina-adjust ‘yon,” sabi ni Briones.

“Magdedebate ang parents, teachers, kung mayroon bang Saturday classes, Sunday classes, extension classes para maka-make up at makahabol iyong mga bata,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi rin ni Briones na kasalukuyang nakikipag dayalogo ang kagawaran sa mga grupo ng estudyante na humihiling ng academic ease.

Iginiit niya na magtutulungan ang lahat upang makaahon sa pinsalang dala ng mga kalamidad.

“So,ang calendar iaadjust, magtutulungan ang lahat lahat hindi lamang ‘yung area which is affected kasi ginagawa naman natin ‘yan taon- taon tuwing mayroong sakuna,” dagdag niya.