Nation

SAHOD NG MGA GURO PINADODOBLE

ISINUSULONG ni Quezon City Rep. PM Vargas ang panukala na dodoble sa sahod ng mga guro sa pampublikong eskuwelahan.

/ 3 October 2022

ISINUSULONG ni Quezon City Rep. PM Vargas ang panukala na dodoble sa sahod ng mga guro sa pampublikong eskuwelahan.

Sa House Bill 4070, nais ni Vargas na mula sa P25,439 o Salary Grade 11 ay itaas sa P49,835 o SG 19 ang suweldo ng mga bagong pasok na guro o Teacher 1.

Ang sahod ng mga guro na mas mataas ang posisyon ay isusunod din sa gagawing pagtataas.

“With the rising costs of living, many teachers still struggle with the financial limitations of their profession while maintaining the delivery of quality education to our students amid the pandemic,” pahayag ni Vargas.

Sinabi ng kongresista na ang kanyang panukala ay batay sa hiling ng mga guro dahil kapos na kapos pa rin ang tinanggap nilang increase sa ilalim ng Salary Standardization Law of 2019 o Republic Act 11466.

“We must recognize the dedication and guarantee the retention of competent teachers by ensuring that the remuneration due to them is commensurate to their work load,” paliwanag ng mambabatas.

Ngayong 19th Congress, kabuuang 15 panukala na ang inihain na nananawagan na itaas ang sahod ng mga guro.