Nation

PNPA INALOK NG HEALTH ASSISTANCE NG DOH

/ 10 January 2023

INIALOK ng Department of Health sa mga opisyal, tauhan at maging sa mga kadete ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite ang health assistance ng kagawaran.

Sa talumpati ni DOH Undersecretary for Field Implementation and Coordinating Team-Visayas Camilo Pancratius P. Cascolan, may ayuda na manggagaling sa DOH para sa mga taga-PNPA at maging sa mga pulis.

Ang ayuda ay sa anyo ng health assistance sakaling magkasakit ang sinuman mula sa PNPA.

“Whatever the DOH could give you, as long as I’m still here (DOH), please approach us,” ayon kay Cascolan na dating hepe ng Philippine National Police.

Samantala, hinimok ni Cascolan ang mga kadete na kumpletuhin ang primary dosage ng anti-Covid19 vaccine, gayundin ang pagpapa-booster shots.

Ipinaliwanag ng health official ang kahalagahan ng Covid19 booster shot at ito ay upang makamit ang complete protection laban sa nasabing virus na nagpapatuloy sa mutation.