Nation

PNP OPEN ACADEMY INILUNSAD

/ 13 September 2022

PINANGUNAHAN ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang paglulunsad ng PNP Open Academy sa tulong ng University of the Philippines kahapon sa Camp Crame.

Nagpasalamat si Gen. Azurin sa University of the Philippines-Open University sa pagbibigay ng pagkakataon para mapaunlad ang kaalaman ng mga miymebro ng PNP.

Ayon sa heneral, may mga training courses din na inaalok ang PNP para sa skills upgrading ng mga pulis, pero limitado lang ang makakasali dito dahil abala sila sa trabaho.

Sinabi ni Gen. Azurin na dahil ang Open Academy ay online, maaari nang mag-aral ang mga pulis anumang oras kung kailan sila bakante.

Pagkakataon, aniya, ito para makumpleto ng mga pulis ang kanilang mga educational requirements na kailangan para sa promosyon.