Nation

PH, BANGLADESH PALALAWAKIN ANG DEFENSE TIES SA PAMAMAGITAN NG EDUKASYON AT PAGSASANAY

/ 22 September 2023

PALALAWAKIN ng Pilipinas at Bangladesh ang kanilang defense cooperation sa pamamagitan ng edukasyon at pagsasanay.

Ito ang napag-usapan nina MGen Noel Beleran PN(M), Deputy Chief of Staff for Education, Training and Doctrine, J8 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at BGen Kazi Anisuzzaman, Directing Staff Army-6, National Defense College, Mirpur Cantonment ng Bangkadesh sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.

Dito’y tinalakay ni MGen. Beleran ang mga kurso at exchange program na available sa AFP at ang kanilang kahandaang makipagtulungan sa mga kaalyadong bansa.

Ibinahagi naman ni BGen Anisuzzaman ang mga hamong kinakaharap ng kanilang bansa at ang mithiin na palakasin ang “connectivity” sa mga kaibigang bansa.

Ang National Defense College of Bangladesh ay kasalukuyang nagsasagawa ng Study Tour sa Pilipinas.