Nation

P1,000 INCENTIVE AT P500 HAZARD PAY SA TEACHERS

/ 8 September 2020

MAGBIBIGAY ang Department of Education ng P1,000 na insentibo sa bawat guro sa Oktubre kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Teachers‘ Month.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, maglalaan ang departamento ng P400 million para sa naturang insentibo.

“Starting October 5, teachers will receive P1,000 each for the National Teachers’ Day incentive,” sabi ni Sevilla.

Bagaman sa Oktubre pa ang schedule ng release ng pabuyang ito sa mga guro, susubukan umano nilang ipamigay ito ngayong Septyembre.

Ayon pa sa opisyal, inihahanda na rin ng DepEd ang pondo para sa medical exam ng mga guro.

“We are processing the release of the annual medical exam for the teachers at P500/teacher,” ayon kay Sevilla.

Magbibigay rin ang DepEd ng P500 na hazard pay para sa mga guro na papasok sa eskuwelahan, dagdag ng opisyal.