Nation

MGA GURO HINIKAYAT NA MAGPABAKUNA KONTRA COVID-19

/ 23 December 2021

HINIMOK ni Education Secretary Leonor Briones ang mga guro na magpabakuna kontra Covid19.

Ito’y kasunod na rin ng pag-apruba ng Food and Drug Administration sa pagpapaikli ng interval sa pagitan ng huling shot at ng booster dose mula anim sa tatlong buwan.

“Sabi namin don’t wait because the local governments are already vaccinating their constituents. You go to your local government especially for those who have comorbidities,” sabi ni Briones.

Samantala, kumpiyansa si Briones na magiging maayos ang edukasyon ng mga estudyante lalo na’t palalawigin na ang limited face-to-face classes sa susunod na taon.

Nakatakdang palawigin ng DepEd ang physical classes sa susunod na taon.

Inamin  ni Briones na “challenging” ang naranasan ng sektor ng edukasyon noong nakaraang taon.