Nation

LIBRENG SAKAY NG LRT-2 PARA SA STUDENTS HANGGANG NOB. 5 NA LANG

/ 5 November 2022

INANUNSIYO ng Light Rail Transit Authority na hanggang Nobyembre 5 na lamang ang libreng sakay program nito para sa mga estudyante.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, aabot sa 1,527,219 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na sumakay sa LRT line 2 mula Santolan hanggang Recto Avenue simula noong Agosto 22.

Ngunit sinabi niya na hindi na ie-extend ang programa at magtatagal na lamang ang libreng sakay hanggang sa Sabado.

Ipinatupad ang programa para tulungan ang mga estudyanteng naapektuhan ng pandemya.

Layon din nito na tulungan sa pinansyal ang mga estudyante lalo na dahil sa inflation.

Inihayag din ng LRTA na matagumpay nilang naabot ang kanilang one million mark sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga mag-aaral sa loob ng 58 araw.