Nation

LANGUAGE COURSES ALOK NG TESDA

/ 10 June 2024

UPANG mapalawak ang kaalaman at madagdagan ang wika, nag-aalok ang Technical Education and Skills Development Authority Provincial Training Center– La Union ng pagsasanay at language courses ngayong Hunyo.

Ito ay libre at bukas sa naghahangad ng pagsasanay.

Ang free training na kanilang iniaalok ay sa tulong at pakikipag-ugnayan sa National Language Skills Center Taguig.

Ang naturang pagsasanay ay tatagal ng hindi bababa sa 100 oras o 25 araw.

Para maka-avail ng training ay kinakailangan na isa kang Filipino citizen, higit 18-anyos at nakapagtapos ng high school, senior high school o ALS graduate.

Magkakaroon ito ng morning at afternoon session at mayroon lamang apat na oras na training sa isang araw mula Lunes hanggang Biyernes.

Para sa mga katanungan, mag-email lamang sa [email protected].