Nation

KLASE SA UNIVERSITIES, COLLEGES SA NCR MAGBUBUKAS SA PEBRERO

NAKATAKDANG magbukas ang klase ng karamihan sa higher education institutions sa Metro Manila sa Pebrero, ayon kay Commission on Higher Education Prospero De Vera III.

/ 19 January 2022

NAKATAKDANG magbukas ang klase ng karamihan sa higher education institutions sa Metro Manila sa Pebrero, ayon kay Commission on Higher Education Prospero De Vera III.

Ang pagbubukas ng klase ng maraming HEIs ngayong buwan ay hindi natuloy bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“Maraming mga pamantasan ay nag-decide na buksan ang kanilang second semester sa February imbes na sa January,” ayon kay De Vera.

Kabilang sa mga unibersidad na ito ang University of the Philippines na magbubukas sa Pebrero 7 dahil tinitingnan pa nito ang sitwasyon ng bansa.

“Face-to-face classes will begin once the conditions are safe for students,” ani De Vera.