Nation

KLASE SA NORZAGARAY SINUSPINDE DAHIL SA FLASHFLOODS

/ 8 January 2023

SINUSPINDE ni Norzagaray Mayor Merlyn Germar ang klase sa lahat ng antas sa kanyang nasasakupan nitong Enero 6 makaraang umapaw ang ilog na nagdulot ng flashfloods.

Ang hakbang ay upang maiiwas ang mga estudyante sa disgrasya habang ang ibang paaralan ay ginamit na pansamantalang silungan makaraang mahigit 500 indibidwal ang inilikas.

Una nang inanunsiyo ang pagbubukas ng ilang gate ng Ipo at Angat dam makaraang tumaas ang antas ng tubig.

Upang hindi magdulot ng disgrasya ay kinailangang magpakawala ng tubig sa dalawang gate ng Ipo Dam at tatlo naman sa Angat Dam sa nasabing petsa.

Wala pang anunsiyo ang lokal na pamahalaan kung balik-eskwela na ang mga estudyante bukas, Enero 9.