Nation

KATARUNGAN SIGAW NG MGA LUMAD NGAYONG PASKO

/ 22 December 2020

HUSTISYA para sa mga pinaslang na Lumad.

Iyan ang isa sa mga hiling ng mga kabataang Lumad ngayong Kapaskuhan.

“Ang nais namin ngayong Pasko  ay mabigyan ng hustisya ang lahat ng mga pinaslang ng mga militar lalo na ang tagadepensa ng lupang ninuno,” sabi ng isang Lumad.

Bukod dito, hinihiling din ng mga kabataan na magkaroon sila ng pagkakataon na mamuhay na walang takot habang pinoproktektahan nila ang mga lupain ng kanilang mga ninuno.

Ayon sa Save Our Schools Network, pawang karahasan at ‘pagpapatahimik’ ang tugon ng gobyerno sa mga kumakalaban at pumupuna sa mga ‘umaatakeng militar’.

Kasama ang SOS at Climate Change Network for Community-based Initiatives, itutuloy ng mga kabataang Lumad ang kanilang laban para sa kanilang mga lupain at ang laban para makamtan ang hustisya para sa napaslang na mga kapwa nila Lumad.