Nation

‘KAP’ MULING MAMIMIGAY NG GADGETS

/ 8 October 2020

SA GITNA ng natatanggap na mga kahilingan para sa ayuda sa pangangailangan sa online class, muling mamamahagi si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla ng mga gadget sa mga estudyante at guro.

Inanunsiyo ni Revilla sa kanyang Facebook Live na sa araw ng Linggo, October11, ay muli si-yang magpapa-raffle ng daang-daang tablets, cellphones at laptops.

“By the way this coming Sunday, dahil sa maraming humihiling, becacuse of public demand, ‘yung follow up ng ating give aways ng gadgets ay itutuloy natin.  Mamimigay tayo ulit ng tablet, cellphone at laptops,” pahayag ni Revilla.

Nilinaw naman ng senador na ang mga una nang nakapagsumite ng form para sa kanyang pro-gramang Kaalaam Ating Palawakin o KAP’s Gadgets Giveaways  ay awtomatikong kasama sa panibagong raflle draw.

Bukod sa mga nagsumite ng form, mamimili rin ng mga mananalo mula sa mga live viewer sa programa sa Linggo, alas-6 ng gabi.

“Tuloy pa this coming Sunday,  as promise ay mayroon pa tayong isang araw. Daan-daang tab-lets at cellphones ang ipamimigay natin,” dagdag pa ng senador.

Matatandaang umabot sa 2,000 gadgets ang naunang ipinamahagi ng senador na bahagi ng pagdiriwang niya ng kaarawan noong Setyembre 25.