Nation

INCENTIVES NG MGA GURO IPAMAMAHAGI NA

NAKATAKDANG ipamahagi ng Department of Education ang P18,000 halaga ng Service Recognition Incentive sa mga kwalipikadong public school teachers at personnel simula ngayong Martes, Disyembre 19.

/ 19 December 2023

NAKATAKDANG ipamahagi ng Department of Education ang P18,000 halaga ng Service Recognition Incentive sa mga kwalipikadong public school teachers at personnel simula ngayong Martes, Disyembre 19.

Sa isang memorandum, sinabi ng DepEd na sinimulan ng mga schools division office at iba pang implementing units ang pagproseso ng mga pagbabayad noong Lunes, Disyembre 18, at ang cash distribution ay nakatakda ngayong araw.

Ayon sa DepEd, ang mga guro sa malalayong lugar ay maaaring mabigyan ng exemption sa cash-only mode na pamamahagi ng SRI.

Ang kanilang mga SRI ay maaaring maibigay sa pamamagitan ng kanilang payroll ATMs.

“All offices concerned with the processing and releasing the SRI are expected to expedite the payment subject to usual budget, accounting, and auditing rules,” nakasaad sa memorandum.

Ang nasabing memorandum ay pinirmahan nina DepEd Undersecretary Michael Poa at DepEd Assistant Secretary Francis Bringas.