Nation

GRADUATING CADETS NG PNPA ISINAILALIM SA LECTURE/ORIENTATION SA CAMP CRAME

/ 9 February 2023

INIHAHANDA na ng Philippine National Police ang graduating cadets ng PNP Academy para sa magiging propesyon nila makaraan ang kanilang pagtatapos.

Nitong Linggo ay isinailalim sa dialogue/lecture ang MASIDLAK Class 2023 sa National Headquarters Main Conference Room, Camp Crame, Quezon City.

Nanguna sa dialogue/seminar si Maj. Gen. Emmanuel Peralta, ang Directorate for Operations.

Sumailalim rin sa orientation ang mga first class cadet o fourth year sa regular college.

Bukod kay Peralta, ilang senior officials din ang nagbahagi ng karanasan sa mga kadete sa magiging propesyon nila kapag nakatapos.
Nagkaroon din ng walk through ang mga kadete sa PNP Command Center at iba pang dibisyon ng The Directorate for Operations.

Ang PNPA Contingent ay pinangunahan naman ni Commandant of Caders, PBGen. Jaysen De Guzman kaagapay sina Assistant Dean of Academics PCol Rolly S. Octavio, at Lt. Col. George DC Bagundol, Acting Chief, Operations Management Division.