Nation

FILIPINO LEARNERS INVITED TO JOIN GLOBAL STUDENT PRIZE 2021

/ 5 June 2021

Hinikayat ng DepEd nitong nakaraang linggo ang mga estudyanteng Pinoy na lumahok sa Global Student Prize ngayong taon.

Pipili ang nasabing patimpalak ng ilang mag-aaral sa buong mundo na nagpamalas ng natatanging abilidad sa pagpupursigi sa pag-aaral sa kabila ng iba’t ibang hamon.

Bukod sa malaking halaga ng premyo, naniniwala si Kalihim Briones na ang pagsali sa nasabing patimpalak ay isang oportunidad para sa ating mga mag-aaral na ipakita ang kanilang kakayahang mamuno at pagiging malikhain sa pagtulong sa sektor ng edukasyon sa bansa sa gitna ng nararanasang pandemya.