Nation

DSWD SEC. TULFO HANDANG MULING HUMARAP SA CA, ISYU SA CITIZENSHIP, LIBEL CONVICTION SASAGUTIN

15 December 2022

NAKAHANDA si Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na humarap sa Commission on Appointments sa muling pagbubukas ng Kongreso para personal na sagutin ang isyu sa kanyang citizenship at libel conviction.

“Handa po akong magprisinta ng mga document at iba pang mahalagang ebidensiya na tuluyang tatapos sa mga nasabing usapin. Nagpapasalamat po ako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang patuloy na tiwala at suporta sa inyong lingkod,” ayon kay Tulfo.

“Samantala, tuloy-tuloy lang po ang trabaho ng DSWD sa pamamahagi ng ayuda sa mga pinakamahirap nating mga mamamayan,” dagdag pa ni Tulfo.