Nation

DEPED TOP PERFORMING AGENCY — OCTA SURVEY

/ 7 December 2022

NANGUNGUNA ang Department of Education sa top performing agency, ayon sa OCTA Research-Tugon ng Masa survey.

Nasa 87 porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing “satisfied” sila sa performance ng DepEd sa nakalipas na tatlong buwan.

Isinagawa ang independent at non-commissioned survey mula Oktubre 23 hanggang 27.

Dalawang porsiyento lamang ang nagsabing hindi sila kuntento sa performance ng DepED, habang 11 porsiyento ang undecided.

Sumunod sa DepEd ang Department of Health at Department of Social Welfare and Development sa may pinakamataas na nakuhang porsiyento.