Nation

DEPED TIES UP WITH CONVERGE, PACIFIC KABLE NET FOR FREE INTERNET AND CABLE IN PUBLIC SCHOOLS

/ 15 May 2021

Nitong buwan ay pumirma ng kasunduan ang DepEd kasama ang Converge ICT Solutions Inc. at Pacific Kable Net.

Layon ng Kagawaran, sa tulong ng mga nasabing private partners, ang magbigay ng libreng fiber connectivity at gamitin ang cable channels para mas epektibong maabot ang mga lugar na mahirap ang koneksyon sa internet at mahina ang signal.

Dahil sa nasabing kasunduan, mas matitiyak ang pagpapayabong ng distance learning system at tuloy-tuloy na pagpaparating ng serbisyong pang-edukasyon sa mga guro at mga mag-aaral alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.