Nation

DEPED, DICT TEAM UP TO ROLL OUT PUBLIC EDUCATION NETWORK

/ 8 May 2021

Malaking pagbabago sa paghahatid ng edukasyon ang inaasahan sa mga susunod na panahon matapos pirmahan ng DepEd at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isang kasunduan para sa paglulunsad ng Public Education Network.

Layon ng PEN na mapabilis ang digital connectivity ng mga pampublikong paaralan at iba’t ibang opisina ng DepEd sa bansa para sa mas epektibong paggamit ng DepEd TV, DepEd Commons at iba pang learning platforms maging ng DepEd Enterprise Resource Planning System, Learner Information System, DepEd Mobile App at iba pa.

Bukod sa panahon ng COVID-19, makatutulong din ang kasunduan ng dalawang ahensya sa sektor ng  edukasyon sakaling magkaroon ng kalamidad at hindi inaasahang pagyayari sa hinaharap.