Nation

CASH INCENTIVES SA PASIG SCHOLARS

/ 28 February 2021

NAMAHAGI ng certificates of recognition at cash incentives ang lokal na pamahalaan ng Pasig sa mga iskolar ng lungsod na nagsipagtapos na may karangalan.

“Congratulations to our Pasig City Scholars who graduated with Honors! The future of our city!” sabi ni Mayor Vico Sotto sa kanyang social media post.

Ayon kay Sotto, may dalawang magna cum laude, 11 cum laude at tatlong silver medalists (technical vocational) para sa taong ito.

“They are the ones who did not reach the deadline of the last distribution,” dagdag pa ng alkalde.

Halos 18,000 ang iskolar ng Pasig para sa taong pampaaralan 2020-2021. Pinalawak din ng lokal na pamahalaan ang scholarship program nito sa  3,000 mga mahihirap na estudyante.

Muling pinaalalahanan ni Sotto ang mga iskolar ng lungsod na wala silang pagkakautang sa kahit sino, lalong-lalo na sa mga politiko.