Nation

CARDEMA BALIK-NYC

/ 7 August 2020

KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang muling pagtatalaga kay Ronald Cardema sa National Youth Commission, hindi bilang assistant secretary, kundi bilang commissioner.

Taliwas ito sa paunang pagbati ni Calamba Laguna Mayor Justin Marc Chipeco sa kanyang Facebook page.

CALAMBA_LAGUNA_8d81b5d55c

Larawan mula sa Facebook page ni Chipeco, bagaman komisyoner ang posisyon ni Cardema sa NYC.

Mas mababa ang posisyong ito kumpara sa pagigingchairperson na ngayon ay na kay Ryan Enriquez.

Noong nakaraang taon lamang ay nadiskuwalipika si Cardema sapagtakbo bilang nominado ng Duterte Youth party-list dahil sairegularidad sa substitusyon. Nagbitiw si Cardema bilang NYC chairperson para sana palitan ang asawa niya bilang first nominee ng partido, subalit hindi ito tinanggap ng Comelec sapagkat ayon sa Party-list System Act, ang sinumang nominadong partidong pangkabataan ay nararapat na may edad na hindi tataas sa 30.

Si Cardema ay 34-anyos na noong 2019 at hindi na pasok sa kahuluganng ‘youth’.

Ang NYC ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DILG.