Nation

BRGY SK NG GOV. FERRER SA GEN. TRIAS, CAVITE NAMAHAGI NG WIFI KITS SA MGA ESTUDYANTE

/ 8 September 2020

BILANG suporta sa online learning, namahagi ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Governor Ferrer sa General Trias, Cavite ng prepaid Globe WiFi kits sa mga estudyante.

Nasa 50 WiFi kits ang ipinamigay at karamihan sa mga nakatanggap ay mga estudyante sa senior high school at kolehiyo.

Sinabi ni SK Chairman Jeanne Nicole Miranda Punzalan na bagaman kaunti pa lamang ang nabibigyan nila ng WiFi kits ay malaking tulong na rin ito sa kanilang barangay at mamamahagi rin umano sila ng mga online classes starter pack.

“Bale po sa ngayon, ‘yung prepaid WIFi pa lang po pero may incoming project din po kami ngayong month na online classes starter pack,” pahayag ni Punzalalan sa isang message sa The POST.

Ayon kay Punzalan, ang lalamanin ng online classes starter pack ay flashdrive, earphones, study table at phone holder with stand.