Nation

BLENDED LEARNING SA PUBLIC SCHOOLS NA NAPINSALA NI ‘PAENG’

/ 4 November 2022

PAPAYAGAN ng Department of Education ang paggamit ng alternative delivery mode para sa mga paaralan na napinsala ng Bagyong Paeng.

Ito ang nilinaw ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa sa mga paaralan na hindi pa rin kayang tumalima sa mandatory in-person classes.

Marami pa rin aniyang eskwelahan ang hindi pa nalilinis at ginagamit pang evacuation center.

Ang alternative delivery mode ay ang paggamit ng module na pasasagutan sa mga bata na maaaring hard copy o digital depende sa lokasyon nito.

Maikokonsidera din itong blended learning dahil oras na maayos naman ang paaralan ay babalik na sila sa full implementation ng face-to-face classes.

Una nang napaulat na umabot sa 261 paaralan ang nawasak ng Bagyong Paeng habang 528 schools ang ginamit na evacuation centers ng mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyo.