Nation

BANGKO MAY PAUTANG SA MGA GURO NA BIBILI NG GADGETS PARA SA ONLINE CLASSES

INIHAHANDOG ng BDO ang  para sa mga gurong Filipino na nangangailangan ng karagdagang budget sa araw-araw na pamumuhay.

/ 3 January 2021

INIHAHANDOG ng BDO ang  para sa mga gurong Filipino na nangangailangan ng karagdagang budget sa araw-araw na pamumuhay.

Maaaring mag-loan ang mga guro mula sa halagang P10,000 hanggang P750,000.

Magagamit ito sakaling may mga kailangang bilhin gaya ng smart phone o laptop lalo ngayong panahon ng online classes.

Flexible din ang terms sapagkat maaaring buwanan ang hulog sa loan na kukunin. Ang petsa, kung maaaprubahan, ay isasabay sa petsa ng sahod.

Mula isa hanggang tatlong taon din maaaring bayaran ang loan kaya tiyak na hindi ito magiging dagdag-pasanin sa sinumang nagnanais na mag-loan.

Kung interesado ay maaaring magpadala ng mensahe sa [email protected] o dili kaya’y tumawag sa hotline na 233-7777 (Davao City), (082) 233-7777 (Domestic), o +63-82-2337777 (International).

Magpadala rin ng mensahe sa Facebook Page ng BDO Network Bank para sa mas mabilis na ugnayan: https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH.

Ang loan ay pinangangasiwaan ng BDO Network Bank PH, subsidiary ng Banco de Oro Unibank, Inc.