Nation

BAGONG SCHOOL BUILDINGS SA PASIG PINASINAYAAN

/ 7 February 2021

PINASINAYAAN ng pamahalaang lokal ng Pasig ang mga bagong gusali sa Pineda Elementary School at Bagong Ilog Elementary School.

Pinangunahan nina Pasig Rep.  Roman Romulo at Pasig Mayor Vico Sotto ang inaugurasyon.

Ayon kay Sotto, proyekto ng nakaraang administrasyon ang nasabing school building subalit pinondohan at ipinagpatuloy ni Congressman Romulo.

“Cong. Roman Romulo made sure these projects were funded and continued, but he also generously gave credit to the former administration for starting these projects last term,” sabi ni Sotto sa kanyang Facebook post.

Ayon kay Sotto, nang magsimula sila nopng July 2019, nagkasundo sila ni Congressman Roman na habang nag-aayos ng procurement process ang lokal na pamahalaan, wala muna itong ipatatayong malalaking gusali.

“Repairs and maintenance muna ng mga pampublikong paaralan ang popondohan ng local government at si Congressman Roman na muna ang bahala sa pagpapatayo ng bagong building,” sabi ni Sotto.

“One and a half years later, matatapos na ng local government ang renovations and repairs sa lahat ng paaralan ng DepEd Pasig at nakapagtayo na rin ang opisina ni Congressman Roman, sa tulong ng DPWH, ng ilang school buildings,” dagdag pa ng alkalde.

“At dahil public funds ito, ‘di na kami maglalagay ng malalaking mukha, pangalan, o initials namin. Maliit na commemorative plaque lang, ayos na. Proyekto ang mga ito ng bawat Pasigueño!”