Nation

BAGONG SCHOOL BUILDING SA SAN JUAN PASISINAYAAN

/ 1 March 2022

PASISINAYAAN ngayong araw ang bagong gusali sa Kabayanan Elementary School sa lungsod ng San Juan.

Pangungunahan nina Mayor Francis Zamora at Congressman Ronaldo Zamora ang inagurasyon at blessing ng bagong four-storey, 12-classroom school building.

Ayon kay Mayor Zamora, ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P24 million.

Pasisinayaan din ng lokal na pamahalaaan ang two-storey multi-purpose hall na may wooden basketball court sa isang barangay. Nagkakahalaga ng P37 million ang nasabing proyekto.

Ayon sa alkalde, mahalaga na ang mayor at ibang LGU officials ay magkakampi nang sa gayon at mas marami pang mga proyekto at programa ang maisakatuparan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

“Napakahalaga talaga na ang mayor, ang congressman, ang vice mayor at mga konsehal ay nagtutulungan sapagkat marami po tayong mga proyekto at programa na naisasakatuparan na tunay na napapakinabangan ng ating mga mamamayan,” ani Zamora.