Nation

ALLOWANCE NG MUNTINLUPA SCHOLARS IPAMAMAHAGI NA

/ 8 December 2020

INANUNSIYO ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang pamamahagi ng unang tranche ng scholarship allowance ngayong linggo.

Ang allowance ay para sa unang semestre ng academic year 2020-2021.

Magsisimula ang pamamahagi ng allowance sa Disyembre 9 hanggang Disyembre 10, kung saan unang makatatanggap ang mga estudyante sa state universities amd colleges.

Sa Disyempre 9 ay isasagawa ang pagbibigay ng allowance sa Muntinlupa Plaza Center, alas-9 ng umaga.

Para makuha ito, kailangang magdala ng sariling black ballpen, care card o claim stub at school ID o anumang valid ID.

Samantala, kung magulang ang kukuha, kailangang dalhin nito ang kanilang ID, school ID o anumang valid ID at claim stub.

Para sa mga detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page nito, ang Muntinlupa Scholarship Program.