Nation

966 PNPA APPLICANTS PASADO SA ADMISSION TEST

/ 30 November 2022

NASA 966 lamang mula sa 21,636 examinees ang nakapasa sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test ngayong taon.

Ang numero ay kumakatawan sa 4.46 percent ng examinees na kumuha ng cadetship examination na ginanap noong Oktubre 29-31 sa 37 testing centers sa buong bansa.

Aminado naman si PNPA Spokesman Lt. Col. Louie Gonzaga na hindi pa pinal ang nasabing numero dahil kailangan pang makapasa sa panel interview kung saan daraan pa sa physical and mental tests ang mga examinee.

Habang mayroon ding nagba-backout at hndi nakakatagal sa 45-day training para sa plebehood.

Ang mga nakapasa ay kinabibilangan ng 280 babae at 686 lalaking aspirants na may average age na 19.