Nation

80% NG DEPED PERSONNEL SA MANDAUE BAKUNADO NA

/ 21 October 2021

BAKUNADO na ang 80 porsiyento ng Department of Education personnel sa Mandaue City.

Ayon kay Edgar Espina, isa sa mga spokesperson ng DepEd-Mandaue, 80 porsiyento ng kanilang 2,300 guro ang fully vaccinated na kontra Covid19.

Nasa 80 porsiyento rin ng 200 non-teaching personnel ang nabakunahan na.

Patuloy naman ang pang-eengganyo ng DepEd-Mandaue sa mga personnel at guro nito na magpabakuna, ayon kay Espina.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng lungsod sa pagbubukas ng limited face-to-face classes.

Samantala, hindi pa nagbubukas ang vaccination drive sa Central Visayas para sa mga menor de edad subalit patuloy na pinalalawak ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga bata.