Nation

43rd FOUNDING ANNIVERSARY NG PNPA IPAGDIRIWANG NGAYON

/ 30 June 2021

KAHIT pandemya, mahalaga sa Philippine National Police Academy ang ipagdiwang ang kanilang ika-43 taong pagkakatatag para sa hustisya, integridad at paglilingkod sa estado.

Alinsunod sa kautusan ni PNPA Director MGen. Rhoderick Armamento, ang tema para sa mahalagang okasyon ay “Overcoming Transition Challenges.”

Ngayong araw, Hunyo 30, ay pangungunahan nina  PNP Chief, General Guillermo Eleazar at Armamento ang okasyon na gaganapin sa pamamagitan ng Zoom o virtual teleconference.

Guest of Honor and Speaker si National Police Commission Vice  Chairman and Executive Officer Atty Vitaliano N Aguirre II.

Tampok sa okasyon ang pagbibigay ng parangal sa mga nag-ambag sa PNPA.

Kabilang dito ang Gen. Mariano N. Castaneda Award, Dr. Cicero C. Campos Award, Gen. Fidel V. Ramos Award, Gen. Vicente P.  Lim Award, Gen. Emilio F. Aguinaldo Award, Service Award at Loyalty Award.