Nation

2K SLOTS BUBUKSAN PARA SA MGA BAGONG ISKOLAR NG PASIG

/ 3 January 2021

INANUNSIYO ng Pasig City Scholarship Office na 2,000 slots lamang ang kanilang bubuksan para sa mga bagong iskolar ng lungsod.

Ayon sa Pasig City Scholarship Office, nakatanggap sila ng kabuuang 2,810 aplikasyon para sa nasabing programa.

Para sa elementarya ay tatanggap lamang sila ng 350 estudyante, 383 sa junior high school, 267 sa senior high school at 1,000 naman sa kolehiyo.

Ang pagpili sa mga bagong iskolar ay base sa academic grade ranking ng mga aplikante.

Pinayuhan naman ang mga aplikante na nasa high school na mag-transfer muna sa continuing high school program for education.

Magsisimula ang registration para sa naturang programa ngayong buwan.