Nation

25 TESDA SCHOLARSHIP SLOTS PARA SA CAINTEÑOS

/ 5 October 2020

SINABI ng lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal na tatanggap na ulit sila ng application para sa technical vocational scholarship.

Sa Facebook post ni Mayor Kit Nieto, hinikayat niya ang kanyang mga kababayan na magtungo lamang sa kanyang opisina para mag-avail ng scholarship sa tech-voc.

“Resume na tayo . . . tatanggap ang opisina ko ng TESDA scholars,” wika ni Nieto.

“I-train sila sa bread and pastry production NC II,” dagdag pa ng alkalde.

Para sa mga interesado, mag-submit lamang ng photocopy ng birth certificate, barangay clearance, high school diploma, apat na piraso ng passport size na picture at apat na piraso ng 1×1 picture.

“Qualifying age is 21 to 59 years old. ‘Yung interesado, 25 ang slots, punta lang sa office ko,” dagdag ni Nieto.